Kumpanyang Shell, may dagdag-presyo sa produktong petrolyo simula bukas

Metro News

Nag-anunsyo na ang kumpanyang Shell ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo na magiging epektibo simula alas sais ng umaga bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng kumpanya, P0.25 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

P0.20 ang dagdag sa kada litro ng diesel habang P0.10 sa kada litro ng kerosene.

Inaasahan na mag-aanunsyo rin ng oil price hike ang ilan pang kumpanya ng langis ngayong araw.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *