GOODWILL VISIT

Tatlong barko ng Russian Navy, nasa bansa para sa limang araw na goodwill visit

National News

Nasa bansa ang tatlong barko ng Russian Navy para sa limang araw na goodwill visit.

Dumaong ang Admiral Tributs at Vinogradov na pawang malalaking Russian Anti-Submarine Ships at ang Irkut na isa sa malalaking sea tanker ng Russian Navy sa Pier 15 sa South Harbor sa Maynila.

Layon ng goodwill visit na palakasin pa ang magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Russia.

Ito na ang ikalawang beses na pagbisita ng barko ng Russia sa bansa ngayong taon at ika-walong beses simula noong 2012.

Ang pagbisita ng Russian Navy ay sa gitna ng isinasagawang Annual Balikatan Exercise sa pagitan ng Pilipinas at U.S.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *