Red at yellow alert, muling itinaas sa Luzon grid ngayong araw

Regional

Muling isinailalim ngayong araw ang Luzon grid sa yellow at red alert dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nagsimulang umiral ang red alert kaninang alas-10 ng umaga hanggang alas-11, at muling iiral ngayong ala-una hanggang alas-kwatro ng hapon.

Ang yellow alert naman ay nagsimulang umiral kaninang alas-9 hanggang alas-10 ng umaga, alas-11 hanggang ala-1 ngayong hapon at muling iiral mamayang alas-4 hanggang alas-5 ng hapon at alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Sa power situation outlook ng NGCP kaninang alas-6 ng umaga, nasa 10,625 megawatts ang available capacity sa Luzon habang nasa 10,313 megawatts ang peak demands at nasa 312 megawatts ang power reserve.

Wala namang inilabas na dahilan sa ngayon ang NGCP sa pagnipis ng reserve power ng Luzon grid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *