Luzon Grid

Luzon grid, naka-red alert dahil sa manipis na reserba ng kuryente

Metro News

Muling inilagay sa red alert ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid.

Ito ay dahil sa manipis na reserba ng kuryente bunsod ng mga hindi inaasahang pag-shutdown ng mga planta.

Sa abiso ng Meralco, alas-10 kaninag umaga hanggang alas-4 ng hapon naka-red alert ang Luzon grid.

Una nang isinailalim kaninang alas-8 hanggang alas-10 ng umaga sa yellow alert ang Luzon at muling isasailalim sa alerto mamayang alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Dahil dito, pinayuhan ng Meralco ang mga korporasyon at commercial establishment na kabahagi ng kanilang Interruptible Load Program (ILP) na maging handa sa paggamit ng kanilang generator sets.

Nag-abiso rin ang Meralco ng posibleng manual load Dropping (MLD) o rotational brownout.

Sinabi ng NGCP na nasa 10,607 megawatts ang peak demand habang ang available capacity ay 10,761 megawatts at ang reserba ay 154 megawatts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *