Water allocation

Off-peak water interruptions ng Maynilad, posibleng ngayong linggo lamang mararanasan

Metro News

Posibleng ngayong linggo lamang mararanasan ng 10% ng customers ng Maynilad ang water interruptions tuwing off-peak hours.

Ito ang tiniyak ng pinuno ng Corporate Communications ng water utility na si Jennifer Rufo dahil hindi aniya magtatagal ang ganitong sitwasyon.

Sinabi ni Rufo na inaasahang bubuti ang sitwasyon kapag nagamit na ng husto ang Putatan Water Treatment Plant.

Paliwanag nito, ipinatupad nila ang off-peak water interruptions, mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa ilang matataas na lugar sa kanilang concession area upang mapangasiwaan ang antas ng tubig sa Bagbag reservoir para hindi ito mabilis na bumaba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *