Pag-veto ni Pangulong Duterte sa 2019 National Budget, suportado ni Senate President Vicente Sotto

National News

Susuportahan ni Senate President Vicente Sotto III si Pangulong Rodrigo Duterte kapag nagdesisyon itong i-veto ang buong 2019 National Budget at mag-operate sa re-enacted budget.

Kasunod ito ng pahayag ng pangulo na hindi siya mangingiming ibasura ang panukalang 3.75-trillion peso budget kapag may nakita itong mga iregularidad.

Ipinaliwanag ni Sotto na sa ilalim ng re-enacted budget, mawawala ang lahat ng discretionary funds o pork barrel ng mga mambabatas, kasama na rito ang mga magtatapos na ang termino at kabilang sa iligal na realignments.

Sinabi ni Sotto na ito rin ang kanyang orihinal na mungkahi at suportado niya ang magiging desisyon ng pangulo dahil maaari namang makapagpasa ng bagong panukala sa susunod na kongreso kasama ang mga bagong lider.’

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *