Transport group

Dry run sa ‘no loading at unloading policy,’ umarangkada na ngayong araw

Metro News

Umarangkada na ngayong araw ang dry run sa pagpapatupad ng ‘no loading at unloading policy’ sa kahabaan ng EDSA.

Batay sa polisiya, ang mga provincial bus ay maaari lamang magsakay at magbaba ng mga pasahero sa kanilang itinakdang terminals at bawal na sa EDSA.

Sa gitna naman ng dry run, ilan pa ring mga bus ang natiketan matapos na magsasakay at magbaba ng mga pasahero sa EDSA at sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa mga lalabag, pagmumultahin ang mga ito ng P500.00 para sa illegal loading and unloading.

Maliban dito, mahaharap din ang mga lumabag sa multang P150.00 para sa disregarding traffic signs, P1,000.00 para sa road obstruction at P1,000 para sa snubbing the closed door policy.

Nasa mahigit 300 MMDA enforcer naman ang ipinakalat sa EDSA para bantayan ang mga pasaway na mga provincial bus.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *