Chynna Ortaleza

Kean Cipriano, kinumpirma ang pagbubuntis muli ng misis na si Chynna Ortaleza

Showbiz

Isang celebrity baby na naman ang kagigiliwan ng mga netizen.

Ito ay dahil nagdadalang taong muli ang aktres na si Chynna Ortaleza sa kanilang baby number 2 ng rockstar-actor na si Kean Cipriano.

Sa social media post, very proud at happy na inansuyo ni Kean ang panibagong regalo sa kanilang pamilya.

Kalakip nito ang isang family photo ng mga Cipriano kung saan makikita ang baby bump ng aktres.

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa kasamahan sa indusriya at mga fan ng dalawa local stars.

Taong 2016 nang isinilang ni Chynna ang unang anak nila na si Stellar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *