oil price hike

Shell, magpatutupad ng oil price hike bukas

Metro News

Magpapatupad ng oil price hike ang kumpanyang shell simula bukas, araw ng Martes.

Sa abiso ng kumpanya, P0.10 ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Wala namang paggalaw sa kanilang diesel at kerosene.

Ang paggalaw sa presyo sa gasolina ay bunsod ng mas mataas na presyo ng ethanol.

Inaasahang mag-aanunsyo rin ang ilan pang kumpanya ng paggalaw sa kanilang produktong petrolyo ngayong araw.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *