power producers

Umano’y sabwatan ng mga power producers, iimbestigahan ng PCC

Regional

Sisiyasatin ng Philippine Competition Commission (PCC) ang umano’y sabwatan o pag-abuso sa kapangyarihan ng power producers.

Kasunod ito ng manipis na reserba ng suplay ng kuryente na nagresulta sa rotational brownouts sa Luzon.

Kabilang sa babantayan ng PCC ay kung minanipula ang power interruptions para maitaas ang presyo ng kuryente o kung valid ito kaya’t nakaapekto sa supply conditions.

Alinsunod sa competition law, pagmumultahin ng hanggang 250 million pesos ang mga power generation company na anti-competitive o may collusive behavior at maaari pang mabilanggo ng hanggang 7-taon.

Bukas naman ang PCC sa panawagang isailalim sa auditing ng Department of Energy ang mga sangkot na planta.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *