Asian Games Champ Hidilyn Diaz

Asian Games Champ Hidilyn Diaz, humakot ng 3 silver medals sa 2019 Asian Weightlifting Championships sa China

Sports

Tatlong silver medals ang na-i-uwi ni Asian Games Champ Hidilyn Diaz sa 2019 Asian Weightlifting Championships sa Ningbo, China.

Nasa 94 kilograms ang binuhat ng 2016 olympic silver medalist sa snatch habang 115 kilograms sa clean and jerk na may kabuuang 209 kilograms at nakuha ang second place sa women’s 55-kilogram category.

Target ni Diaz ang ikaapat na olympics appearance kasunod ng pagsabak nito sa Beijing noong 2008; London noong 2012 at Rio de Janeiro noong 2016 kung saan nakapag-uwi siya ng silver medal.

Noong nakaraang taon ay nakuha ng Filipina weighlifter star ang gintong medalya sa Asian Games sa Jakarta.

Ang Asian tournament na nagsimula noong Abril 17 at matatapos sa Abril 29 ay magiging qualifying event para sa Tokyo Olympics.

 

DZARNews

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *