aftershocks

Halos 500 aftershocks na ang naitala matapos ang magnitude 6.1 na lindol, kahapon   

Regional

Halos limandaang (500) aftershocks na ang naitala kasunod ng pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon kahapon.

Ayon sa PHIVOLCS, hanggang kaninang alas-8 ng umaga ay nasa 491 na ang na-rekord na aftershocks na may magnitude na mula 1.4 hanggang 3.4.

Walo (8) ang naramdaman habang animnapu’t dalawa (62) ang “plotted” na nangangahulugang tukoy na ang epicenters.

Masyado namang mahina ang nalalabing aftershocks kaya hindi ito natunton.

Sinabi ni PHIVOLCS Deputy Director Bart Bautista na mas marami pang aftershocks ang mararanasan ngayong linggo kasunod ng malakas na pagyanig.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *