paaralan

Pag-inspeksyon sa lahat ng mga paaralan dahil sa lindol, agarang ipinag-utos ng DepEd

National News

Inatasan na ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng principals, school heads, at teachers-in-charge na agad inspeksyunin ang lahat ng paaralan, opisina at kanilang mga pasilidad.

Kasunod ito ng magnitude 6.1 na lindol tumama sa Luzon kahapon.

Partikular sa pinasusuri ng kagawaran sa mga engineer, architect at Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) coordinators sa central, regional, at division offices ang lahat ng school building na nasa loob ng 250 kilometer ng epicenter ng Castillejos, Zambales.

Batay sa inilabas na kautusan ng DepEd, maari lamang bumalik ang mga mag-aaral, guro at mga personnel nito kapag tiyak na ang integridad ng mga istruktura at kaligtasan ng mga gusali at pasilidad.

Ang kautusan ay mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea at Education Secretary Leonor Briones.

 

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *