inspection operations

Pagsasagawa ng inspection operations sa mga government building at imprastraktura, ipinag-utos ng MMDRRMC

Metro News

Ipinag-utos ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MMDRRMC) ang pagsasagawa ng inspection operations sa mga government building at imprastraktura matapos tumama ang 6.1 magnitude na lindol sa Luzon.

Partikular sa inatasan ni MMDA Chairman Danilo Lim na magsagawa ng structural integrity sa lahat ng tanggapan ng gobyerno ang mga local at City Disaster Risk Reduction Offices.

Pinagsusumite rin ni Lim ang lahat ng mga kasama sa inspeksyon ng kanilang report ngayong alas singko ng hapon.

Inatasan narin ni lim na magpatupad ng post-earthquake building inspection sa lahat ng gusali ng Metro Manila Development Authority (MMDA) headquarters sa Makati para masuri kung may epekto ng lindol.

Ulat ni: MJ Mondejar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *