Shawn Mendes

Shawn Mendes, magbabalik sa Pilipinas

Showbiz

Magbabalik-bansa ang Canadian singer-song writer na si Shawn Mendes.

Sa social media account ni Shawn, inanunsyo nito ang kanyang second concert sa Manila sa Oktubre a-10 sa Mall of Asia Arena (MOA).

Ito ay bilang bahagi ng kanyang asian leg ng “The Tour” na magsisimula sa Bangkok, Thailand at magtatapos sa Tokyo, Japan.

Mabibili ang ticket para sa concert sa Mayo a-4 na nagkakahalaga mula P8,900 hanggang P2,200.

Taong 2017 nang unang magtanghal sa Pilipinas si Shawn.

Ilan sa pinasikat na kanta ng online sensation turn pop star ay ang global hits na “Treat You Better”, “Stitches” at “Youth”.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *