ACQ-International Children’s Day, aarangkada na ngayong araw

Kingdom News

AARANGKADA na ngayong araw ang selebrasyon ng 2019 ACQ- International Children’s Day na gaganapin sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City.

Inaasahang dadagsain ng mga bata kasama ng kanilang mga magulang ang na magbubukas ngayong umaga.

Ilan naman sa tampok sa Sonshine Land ang unlimited foods and rides na inaasang kagigiliwan ng mga bata.

Highlights din dito ang grand parade kung saan tampok ang iba’t ibang karakter ng anime at fairy tales, maging ng mga naglalakihang floats.

Ang selebrasyon ng International Children’s day taon-taon ay inisyatiba ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ipinadama ang selebrasyon sa mga kabataan ang pagkakaroon ng birthday party na hindi pa nila nararanasan sa kanilang kabataan kasabay ng kanyang kaarawan.

Samantala, hindi lamang dito sa Pilipinas isinasagawa ang selebrasyon ng International Childrens Day.

Maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may gawain ang the Kingdom of Jesus Christ ang naturang selebrasyon.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ang lahat na makiisa at sumuporta sa naturang selebrasyon sa pamamagitan ng pagpost sa social media ng #ACQICD2019, #AllWeNeedisLove.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *