comelec

Local absentee voting, umarangkada na ngayong araw

National News

Umarangkada na ngayong araw ang local absentee voting (LAV) para sa May 13 midterm elections.

Kabilang sa maaring mag-avail ng local absentee voting ang mga opisyal o empleyado ng gobyerno, mga pulis, militar at miyembro ng media na inaasahang naka-duty sa mismong araw ng halalan.

Bukas ang botohan mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon mula ngayong Lunes, Abril a-29 hanggang Mayo a-uno.

Gaganapin ang tatlong (3) araw na local absentee voting sa mga kampo at iba’t ibang tanggapan ng COMELEC.

Pinapayagan ang mga botante na bumoto sa national positions kung saan mga senator at party list lamang.

Una nang inaprubahan ng COMELEC ang nasa 34,693 na aplikasyon para sa LAV.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *