meningococcemia

Resulta ng lab test ng 2 bata na nasawi dahil umano sa meningococcemia, posibleng ilabas ngayong araw o bukas

Metro News

Posibleng ilabas ngayong araw o bukas ang resulta ng isinagawang laboratory tests sa dalawang bata sa Bulacan na nasawi dahil umano sa meningococcemia.

Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na sa ngayon ay hinihinalang kaso pa lamang ito ng meningococcemia at ginagawa nila ang lahat ng safety measures kaugnay nito.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Domingo ang mga magulang na agad na dalhin sa mga ospital ang kanilang anak kapag may nakita silang sintomas ng nasabing sakit.

Dagdag nito, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng meningococcemia ang mga batang maliliit lalo na ang apat na taong gulang pababa.

Paliwanag ni Domingo, napakalakas ng nasabing bacteria at kumakalat ito sa dugo at posible ring sa utak at ang gamot lamang dito ay anti-biotic.

Magugunitang isinugod ang mga biktimang edad tatlo at isa sa isang ospital sa a matapos makitaan ng mga sintomas ng meningococcemia, kabilang ang pagsusuka, pamamantal, ubo at mataas na lagnat.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *