hayop sa loob ng puvs

Mga pasahero na magdadala ng mga hayop sa loob ng PUVs kailangan maging responsable ayon sa BAI

National News

Pinatitiyak ng Bureau of Animal Industry (BAI) na magiging maganda at hindi magdadala ng problema ang memorandum ng Land Transporation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Sa memorandum LTFRB ay pinahihintulutan ng ang mga pasaherong may alagang hayop na dalhin ito sa loob ng PUV’s.

Ayon kay Doktora Glofezitta Lagayan, maganda na kasama ng kanilang mga pasahero ang kanilang mga alagang hayop sa pagbiyahe lalo na sa kalagayan ng mga PWDs na kung saan ay nagiging gabay ng mga ito ang kanilang alagang hayop.

Pero dapat din daw ipatiyak sa mga pet owners na alam nila ang kanilang responsibilidad sa pagdadala ng kanilang mga pet sa pagsakay sa PUVs para maging parehong convenient sa iba pang pasahero at mga drivers ang naturang memorandum.

Aniya, dapat siguraduhin na mabango at nabakunahan ang kanilang mga alagang hayop para hindi makapanakit o makapinsala.

Dapat rin daw na may pantakip ang mga ito sa mga bibig ng kanilang mga alagang aso o pusa para hindi makalikha ng ingay sa loob ng mga PUVs.

Dapat ding tiyakin ng mga ito na may suot na mga diapers ang alaga para hindi magkalat ang dumi nito sa loob ng mga bus, jeep o taxi.

 

Ulat ni: Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *