mataas na ratings

Mga senador, ikinatuwa ang mataas na ratings ng Senado

National News

Ikinatuwa ng liderato ng Senado ang nakuhang mataas na ratings nito.

Batay sa lumabas na resulta ng Social Weather Stations (SWS) pumalo sa halos (60%) hanggang sa mahigit na (70%) ang satisfaction rating.

Kasabay sa mga nakakuha ng kaparehong rating ang Kamara, Korte Suprema at maging ang gabinete ng Administrasyong Duterte.

Ayon sa SWS, nakakuha ng 72% o very good rating ang Senado.

Umakyat ng apat (4) na puntos ang Senado mula sa December 2018 ratings nito.

Samantala, labis din na ikinatuwa ng mga senador ang nasabing resulta kasabay ng paghanga kay Senate President Tito Sotto bilang isang magaling na lider.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, natatanging lider si Sotto dahil sa wala itong kinkilingan at bukas ito sa pagpuna sa mga alanganing panukala ng administrasyon na sa tingin nito ay talo ang taumbayan.

Isa sa mga pinakatumatak daw na ginawa ni Sotto ang pagpigil sa National Budget dahil sa tingin nito’y iligal.

Kasama sa nagpaabot ng kanilang pagbati sa Senate leadership ay sina Senators Sherwin Gatchalian, Grace Poe, Cynthia Villar, Joel Villanueva, Ping Lacson, Nancy Binay, Pimentel, Angara at marami pang iba.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *