44 na tagasuporta ng NPA

44 na tagasuporta ng NPA, sumuko

Regional

Sumuko ang 44 na tagasuporta ng New People’s Army (NPA) sa Community Support Program Team ng 81st Infantry Battalion sa Barangay Tablac, Candon City, Ilocos Sur.

Ayon AFP Spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo, patunay lamang nito na epektibo ang binuong National Task Force para wakasan ang Armed conflict sa lugar.

Sa unang apat na buwan lang ay 1,800 na ang sumukong nakikibaka at tagasuporta ng NPA sa gobyerno.

Umaasa naman si Major General Lenard Agustin, Commander ng Philippine Army 7th Infantry Division na patuloy pang bababa ang bilang ng mga sumusuporta sa NPA sa lugar.

Bukas ay ipipresenta sa Alkalde ng Candon City ang mga sumuko.

Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko sa 6th Special Forces Battalion sa Barangay Buhanginan, Patikul, Sulu.

Kinilala ito na si Omar Mustamud alyas Abu Kompor, residente ng Barangay Parang Basak, Lamitan, Basilan.

Si Mustamud ay nasa ilalim ni Abu Sayyaf Sub Leader Khair Mundos.

Isinuko rin nito ang kanyang M16 rifle.

Isinailalim din ito sa medical check-up at custodial debriefing sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital.

Sinabi ni Lieutenant General Arnel Dela Vega, Commander ng Western Mindanao Command na patuloy sila sa pagbibigay ng programa para sa mga nagbabalik loob sa gobyerno.

 

Ulat ni: Bernard Ferrer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *