P77, 500 natanggap na ng mga Martial Law victims

National News

Natanggap na ng ilang Martial Law victims ang P77, 500 na bayad mula sa nabawing ill gotten wealth ng mga Marcoses na ipinanalo sa korte sa Amerika.

Pinangunahan mismo ng legal counsel na si Atty. Robert Swift ang pamamahagi ng pinansiyal na ayuda sa mga biktima ng Martial Law sa Ilocos Norte.

Nasa mahigit 9,000  human rights victim claimants ang inaasahang makatatanggap ng kaukulang bayad.

Ito ang pagtitiyak ng Human Rights Victim’s Claims Board (HRVCB).

Taong 2014-2015 pa nagsimula ang pagtanggap ng mga claimants.

Pero paglilinaw ng pamunuan ng HRVCB  hindi lahat makatatanggap ng kabayaran sa ilalim ng istriktong pamantayan.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *