Pangongolekta ng buwis sa mga foreign workers

Pangongolekta ng buwis sa mga foreign workers, mas paiigtingin pa

National News

Ayon sa Department of Finance (DoF), mas paiigtingin pa nila ngayon ang pangongolekta ng buwis sa mga foreign workers sa bansa.

Kabilang na dito ang foreign Chinese workers.

Nauna ng pinaghinalaan ang pagdami ng illegal foreign workers sa bansa na walang kaukulang permit kaya naman mas mainam ayon sa Finance Department ng bansa na kolektahan ng buwis ang mga banyagang manggagawa sa ilalim ng Tax Identification System.

Batay sa tala, nasa 138,000 foreign workers mayroon ang bansa.

Malaking bilang dito ang mga Chinese kung saan inaasahan na makakolekta ang bansa sa mga ito ng P22-B kada taon.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *