Aktibidad ni Pangulong

Aktibidad ni Pangulong Duterte, inaasahang okupado ngayong linggo

National News

Inaasahang sunud-sunod ang dadaluhang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa press briefing sa Malakanyang, matapos aniya magpahinga at mag-work from home ng presidente noong nakaraang linggo.

Inihayag ni Panelo na aasahan ng publiko na magiging okupado na ang iskesdyul ni Pangulong Duterte simula Miyerkules kung saan may kinalaman sa pangangampanya ng PDP-Laban para sa nalalapit na May 13 Mid-Term Elections.

Dagdag pa ng tagapagsalita, pawang sa Davao at Bohol ang mga pupuntahang campaign sorties ng chief executive.

Una ng sinabi ng palasyo na epektibo ang pag-i-endorso ni Pangulong Duterte para makapasok ang walong (8) kandidato mula PDP sa mga kamakailang survey.

Pagdating naman sa listahan ng iboboto ng pangulo, sinabi ni Panelo na ‘private matter’ na ang naturang usapin kaya ayaw na niyang pang-himasukan pa ito.

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *