dating House Speaker Prospero Nograles

Pangulong Duterte, binisita ang burol ni dating House Speaker Prospero Nograles

National News

Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng yumaong si dating House Speaker Prospero Nograles.

Hatinggabi kanina nang bisitahin ng pangulo ang burol ni Nograles sa Heritage Park, Taguig City.

Ang pangulo at si Nograles ay naging magkatunggali sa pulitika sa loob ng dalawang (2) dekada.

Nagpasalamat naman si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga nakiramay sa kanilang pamilya.

Samantala, nakatakdang dalhin bukas ang labi ng dating house speaker sa session hall ng Kamara para sa isang misa at necrological service.

Sa inilabas na abiso ng liderato ng Kamara, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali ay magkakaroon ng requiem mass at necrological service bilang pagkilala kay Speaker Nograles.

Mayo a-4 nang pumanaw ang dating lider ng Kamara sa edad na 71 dahil sa respiratory failure.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *