Vote-Counting Machines, idedeliver ngayong araw sa Maynila

National News

Dumating na sa Quirino Grandstand sa Maynila ang Vote-Counting Machines na galing sa warehouse ng Comelec na gagamitin sa May Midterm Elections.

Inaasahang ililipat ang nasa 1,500 VCM na nasa 39 na truck sa mga polling centers sa Maynila ngayong araw.

Hindi binuksan ang mga truck sa Quirino Grandstand at tanging sa mga paaralan na ito bubuksan.

Mahigpit naman ang isinasagawang pagbabantay ng mga pulis sa mga truck.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *