media

Publiko, dapat tulungan ng media sa pagtukoy sa karapat dapat na ibobotong kandidato sa halalan

National News

Ayon sa isang eksperto, para matigil umano ang paulit-ulit na problema ng korapsiyon ng mga politiko sa bansa, tinukoy ng isang eksperto ang media bilang may malaking papel na ginagampanan sa panahon ng halalan.

Ayon kay Professor Albert del Rosario ng Institute for Strategic and International Studies, may pagkukulang ang media sa pagkalampag sa mga politiko para ireport ang mga kinasasangkutang kaso o kontrobersiya na dapat na malaman ng mga botante.

Ani del Rosario, dapat ay inaaraw-araw ng media ang pag expose ng mga kaso ng mga kandidato para makatulong sa pagpili ng mga botante sa halalan.

Ilan sa mga nabanggit dito ang Napoles case na kinasasangkutan ng ilang kumakandidatong politiko na hanggang ngayon ay patuloy pa ring usap-usapan.

Ilan sa mga kinasasngkutan ng mga politiko ang isyu ng COA report, SALN, isyu ng korapsiyon at mga plunder cases.

Bagay na titimbang sa integridad ng mga kumakandidato sa bansa.

Paraan ito para maiwasan ang reklamo ng publiko sa paulit-ulit na pangalan na nakikita sa listahan ng mga tumatakbong politico.

 

Ulat ni: Pol Montibon

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *