SOCE

Comelec, tiniyak na nasa maayos na kondisyon ang lahat ng VCM na gagamitin ngayong eleksyon

National News

Tiniyak ng Commission on Election (Comelec) na nasa maayos ang lahat ng mga Voting Counting Machines (VCM) na gagamitin sa eleksyon.

Kasunod ito ng pagpalya ng halos limandaang Secured Digital (SD) cards na naglalaman ng rekord ng mga balota.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na napalitan na ang nasabing mga SD cards at gumagana na ang mga ito.

Natapos na rin na mapalitan ang mga markers na nagkaroon din ng konting problema.

Ayon kay Jimenez, nakahanda na ang kanilang back-up SD cards para sa agarang replacement sakaling magkaroon ng aberya.

Sa kabila nito, tiniyak ni Jimenez na hindi basta-basta maglalabas ng bagong SD cards ang Comelec hangga’t hindi dumadaan sa pagsusuri ang mga mauulat na nagka-aberya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *