GCTA freed convicts

Halos 3,000 pulis, nakahandang tumayo bilang BEIs

National News

Nasa 2,838 na mga pulis sa bansa ang nakahandang magsilbi bilang Board of Election Inspectors  (BEIs) ngayong midterm elections.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, sakaling umatras ang mga guro na mangasiwa sa halalan na idaraos nga­yong araw.

Mula sa nasabing bilang, 1,032 rito ang itatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa mga posibleng election-related violence sa rehiyon.

Sinabi ni Año sa PNP na tiyaking hindi magiging hadlang ang anumang insidente na may kaugnayan sa peace and order at makaboto ang lahat ng mga Filipino.

Sa ngayon nakataas sa full alert status ang PNP kung saan 149,830 na police officers sa buong bansa ang nakatutok sa halalan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *