Higit 60-milyon indibidwal, inaasahang boboto ngayong araw

National News

Aabot sa mahigit 60-milyon indibidwal ang inaasahang boboto ngayong araw para sa midterm election sa buong bansa.

Sa tala ng Comelec, nasa kabuuang 61,843,750 ang registered voters kabilang na ang nasa 1.822,173 na overseas registered voters.

Ang may pinakamalaking bilang ng mga botante ay ang Region 4-A na nasa 14.03%, kasunod ang National Capital Region (NCR) na nasa 11.43% at pangatlo ang Region 3.

Gayunman, hindi 100% ng bilang ng mga registered voters ay tutugma sa voter’s turn out.

Noong nakalipas na 2016 elections ay 78% lamang ang nakaboto mula sa registered voters.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *