NTC, tinitiyak na walang magiging problema sa linya ng komunikasyon ngayong araw ng halalan

National News

Nais matiyak ng National Telecommunications Commission (NTC) na tuloy-tuloy ang at walang uninterrupted services ang mga Telecommunications sa bansa ngayong araw ng halalan.

Inatasan ng NTC ang lahat ng public telecommunication entities na magpatupad ng uninterrupted services o tuloy-tuloy na serbisyo sa kasagsagan ng botohan.

Inoobliga rin ang mga Telcos na mag-deploy ng mga maintenance personnel at magsagawa ng operasyon para masiguro ang 99.99 % network availability and reliability.

Inaasahan kasi ang pagtaas ng bilang ng mga gagamit ng mobile services ngayon araw ng eleksyon.

Ayon pa sa NTC, dapat bigyang prayoridad ng serbisyo sa komunikasyon ang Commission on Election (Comelec).

Kaugnay nito, tiniyak ni PNP Chief Oscar Albayalde sa paglulunsad ng National Election Monitoring Action Center (NEMAC) na malakas ang mobile signals sa mga police station areas para sa pagpapadala ng mga pulis ng videos at litrato sa sitwasyon sa mga polling centers.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *