Assistance Desk sa mga Voting Centers na walang accreditation, mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec

National News

Mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Election (Comelec) ang pagtatayo o pag-set up ng Assistance Desk sa mga voting centers na walang accreditation.

Ito ang paalala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa publiko.

Ayon kay PPCRV Director Arwin Serrano, tanging ang kanilang grupo lamang ang may accreditation mula sa Comelec na mag-set up ng voters’ assistance desks sa mga voting centers.

Maging ang mga Non-Government Organizations (NGOs) ay hindi rin pinapayagan ng poll body na mag-set up ng help desks.

Pinaalalahanan din ni Serrano ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng campaign leaflets, maging mga sample ballots sa mismong araw ng halalan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *