pagbabawal

Bilangan sa resulta ng halalan kailangan pang bantayan ayon kay VP Robredo

National News

Nagpalabas ng pahayag ang pangalawang pangulo kaugnay sa nangyaring halalan sa bansa kahapon.

Ayon kay VP Leni Robredo, pagod man ang lahat sa kampanya at sa mahabang araw kahapon, sulit aniya ang lahat dahil napanindigan anila ang kanilang prinsipyo at paniniwala.

Hindi pa aniya tapos ang halalan at dapat pa itong bantayan.

Panawagan pa ng pangalawang pangulo, huwag bitawan ng kaniyang mga kandidato at volunteers ang tapang at dedikasyon sa kanilang adhikain.

Batay sa inisyal na resulta ng eleksiyon kahapon, wala ni isa sa iniindorso ng pangalawang pangulo na Otso Deretso ang pasok sa top 12 sa pagka-senador.

Ulat ni: Admar Villando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *