Grupong EcoWaste, nanawagan na i-recycle ang mga campaign material

National News

Hinimok ng Environment at Health Watchdog na Ecowaste Coalition ang mga political candidate na linisin ang kanilang mga kalat at i-recycle.

Ayon kay Thony Dizon ng Ecowaste, nararapat lamang na linisin ng political parties ang mga iniwang basura pagkatapos ng eleksyon.

Nakiusap naman si Dizon na huwag sunugin ang mga campaign material at lalong huwag ikalat.

Samantala, sa MMDA storage area sa Quezon City, ipinakita ng Ecowaste kung papaano ma-recycle ang mga campaign materials.

Sa pag-recycle, maaaring gawing bags, school supplies gaya ng notebooks, folders, memo pad, envelopes at containers ang campaign materials.

Ulat ni: Cresilyn Catarong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *