Ilang insidente ng pagkawala ng suplay ng kuryente ang naitala ng NEA sa kasagsagan ng halalan kahapon

National News

Ayon sa National Electrification Administration (NEA) power task force election 2019, ilan sa mga naitalang power interruption ay mga transient faults lang o panandaliang pagkawala ng suplay ng kuryente dahil sa ilang mga pangyayari.

Ilan sa mga sinasabing dahilan ng mga ito ay pagpalya ng fuse, ng mga transformer, nasirang poste at insulators.

Agad namang naisaayos ang mga ito ng mga electric cooperatives.

Ilan sa mga lugar na nakaranas ng power interruption ayon sa NEA kahapon ay Abra, Albay, Batangas, Batanes, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Sur, La Union, Masbate, Nueva Ecija, Palawan, Pampanga, Pangasinan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Tablas Island at Zambales dito sa Luzon.

Habang nakaranas naman sa Visayas ang mga lugar sa Aklan, Antique, Bohol, Capiz, Cebu, Iloilo, Leyte, Negros Oriental, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Siquijor, at Southern Leyte.

Sa Mindanao naman ang nakaranas ng pagkawala ng suplay ng kuryente ang Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon, Camiguin, Cotabato, Davao del Norte, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Surigao del Norte, Surigao del Sur, South Cotabato, Sultan Kudarat, Zamboanga City, Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.

Patuloy ang monitoring ng NEA sa lagay ng power suplay sa bansa lalo na ngayong panahon ng pagtatransmit at pagbibilang ng mga boto.

Ulat ni: Admar Villando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *