Joy Belmonte, tututukan ang trabaho, edukasyon at pabahay

Section

Sa katatapos na proklamsyon bilang nanalong alkalde sa lungsod ng Quezon may programa na itong nakalaan tulad trabaho, edukasyon at pabahay ayon kay vice mayor Joy Belmonte.

Sinabi nito na uunahin niya ang mga Out of School Youth (OSY) sa mga nais pang mag-aral, programang pabahay at paglilikha ng trabaho.

Aniya makakatulong ang automation program na kanyang pasisimulan at malaki ang maitutulong nito sa paglikha ng trabaho dahil dadagsa ang papasok na negosyo at maraming mabibigyan ng trabaho na nais magtrabaho sa lungsod.

Aniya trabaho dukasyon, kalusugan, kaligtasan, ang nais gawin at gayahin ang 911, na ginagawa sa Davao City.

Kung saan nagpunta na ang kanyang team para pag-aralan sa tulong ni mayor Sara Duterte at magdadagdag din ito ng CCTV camera sa lungsod para masiguro ang kaligtasan ng mamayan.

Ulat ni: Jimmy Mendoza

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *