Luzon Grid

Yellow Alert, itinaas ng NGCP sa Luzon dahil sa manipis na suplay ng kuryente

National News

Itinaas na sa yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Kaninang ala 1 ng hapon nang inilagay sa yellow alert ng NGCP ang Luzon grid na iiral hanggang alas 4 ng hapon.

Batay sa tala ng NGCP nasa 11,748 mw lang ang available na kapasidad ng kuryente sa Luzon.

Habang nasa 10,931 mw naman ang inaasahang magiging peak demand ngayong araw.

Ulat ni: Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *