Hypertension

Halos 120,000 Pilipino, namamatay kada taon dahil sa Hypertension

Health

Tinatayang nasa isangdaan dalawampung libong (120,000) Pilipino ang namamatay kada taon sa Pilipinas dahil sa Hypertension-Related Complications.

Ito ay sa kabila ng iba’t-ibang hakbang na ginagawa ng iba’t-ibang medical associations para ma address ang pagtaas ng kaso ng hypertension sa bansa.

Dahil dito, sinabi ni Dr. Leilani B. Mercado-ASIS, presidente ng Philippine Society of Hypertension na kailangang masustain ang multi sectoral approach upang mapalaganap ang kahalagahan ng blood pressure (BP) monitoring at pag kontrol sa blood pressure.

Sa isinagawang media roundtable ng Philippine society of Hypertension sa Marco Polo Ortigas, hinikayat naman ni Dr. Alejandro F. Diaz ang publiko na makiisa sa May Measurement Month.

Isang nationwide BP Screening and Counseling Campaign na ginagawa tuwing buwan ng Mayo.

Sa pamamagitan aniya nito, malalaman kung sino ang mga nahaharap sa life threatening complications tulad ng heart attack o stroke.

Bukas, Mayo 17 ay natakdang namang ipagdiwang ang World Hypertension Day.

 

Ulat ni: Mhet Sanding-Minon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *