Incoming Senator Bato Dela Rosa

Incoming Senator Bato Dela Rosa handang tulungan ni Senator Manny Pacquaio sa Senado

Metro Manila
Pol Montibon  

PERSONAL na nagpahayag ng kagustuhan ng pagtulong si Senator Manny Pacquiao kay Incoming Senator Ronald Bato Dela Rosa bilang isang bagong mambabatas sa Senado.

Ayon kay Pacquiao, naiintindihan nito ang kalagayan ni Dela Rosa bilang baguhan sa Kongreso.

Ani Pacquiao, maaring kumuha ng pag-aaral o pananaliksik si Senator Elect Dela Rosa na ginawa din ni Pacquiao noon TV nag uumpisa palang ito sa Senado.

Naniniwala naman si Pacquiao na may sapat na kaalaman si Senator Elect Bato batay sa mga naging karanasan nito sa Gobyerno.

Ani Pacquiao kailangan lang pag aralan ni Bato Dela Rosa ang proseso sa loob ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *