COMELEC AT LENTE

Kumpiyansa ang COMELEC at LENTE na mabilis ang Random Manual Audit kumpara sa mga na nakalipas na Halalan

Metro News
MJ Mondejar

TIWALA ang Commission on Elections at ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na mabilis ang pagsasagagawa ng Random Manual Audit ngayon kumpara sa mga nakalipas na halalan.

Target kasi ng Comelec, Philippine Statistics Authority (PSA) at LENTE na makapag-audit ng isa o higit pang Ballot boxes bawat table sa kada araw.

Kahapon kasi, nasa dalawang ballot box lamang ang nabuksan at na audit ng poll body.

Sa ngayon mahigit nasa 300 ballot boxes na ang naka-standby sa isang secured na kwarto sa Diamond Hotel para maisalang sa RMA.

Umaasa naman ang Comelec na matatapos ang Random Manual Audit sa kabuuang 715 ballot boxes sa loob ng 12-araw hanggang dalawang Linggo.

Layon ng Manual Audit na matiyak ang integridad ng mga Vote Counting Machines na ginamit sa Halalan.

Sa proseso ng Manual Audit, isa-isang inililista ng mga auditor ang boto mula sa balota at ikinukumpara ito kung nagtutugma sa botong binasa ng Makina.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *