Senate President Vicente Castelo Sotto III

Malaki ang posibilidad na maipasa ang Death Penalty SA 18th Congress ayon kay Senate President Vicente Castelo Sotto III

Metro Manila

Aaron Roxas

DAHIL sa halos kaalyado ng Administrasyon ang nangunguna sa Partial and Official Tally ng Commission on elections ay sinabi ni Senate President Vicente Castelo Sotto III na posibleng maipasa sa susunod na Kongreso ang Death Penalty.

Naniniwala si Senate President Vicente Tito Sotto III na posibleng makalusot sa 18th Congress ang pagbabalik ng Death Penalty.

Ito ang naging pahayag ni Sotto sa isinagawang kapihan sa Senado matapos halos mga kandidato ng Administrasyon ang mga nangunguna sa Partial and Official Tally ng Commission on Election.

Paliwanag ni Sotto na karamihan sa mga nasa top 12 tulad ni Bato Dela Rosa ay sang ayon sa Death Penalty, ngunit dapat limitado lamang sa Heinous Crime tulad ng Illegal Drug Trade.

Sa kabila nito ay agad namang sinabi ni Sotto na kapag ipinilit ang ilang krimen na ipaloob sa Death Penalty ay tiyak na maraming Senador ang tututol dito.

Iginiit din ni Sotto na hindi naman prayoridad ng Senado ang Death Penalty ngunit sakaling may maghain nito sa 18th Congress na posibleng si Senador Manny Pacquiao ay kanila itong tatalakayin na may posibilidad na makalusot sa Senado.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *