Manual Audit

Manual Audit ng tatlong malalaking Sektor sa bansa, susubukin ang kredibilidad ng Automated Election

Metro News
Pol Montibon    

NAGSAMA-SAMA ang tatlong malalaking sektor sa bansa para sa nagpapatuloy na Random Manual Audit sa 715 Clustered Precinct sa bansa.

Ito’y matapos ang botohan nitong May 13 Midterm Elections.

Pinangungunahan ang aktibidad ng Office of the Comelec Commissioner Incharge Commissioner Tito Guia, Legal Network for Truthful Elections o LENTE at Philippine Statistics Authority o PSA.

Binubuo ang Manual Audit ng animnapung teams na kinabibilangan ng tatlong Public School Teachers per team o katumbas ng 180 Manpower.

Tatapusin ang Random Manual Audit sa mga balota hanggang sa Ikalabindalawang araw mula noong Lunes o magtatapos ngayong darating na May 24, 2019.

Bahagi ng manu-manong bilangan ang matukoy ang pagkakatugma ng resulta ng mga boto sa Automated Election noong May 13.

Ayon sa COMELEC, binabantayan nito ang mataas na Credibility Rate ng Automated Elections noong 2016 Polls na nakakuha ng 99.97% Accuracy.

Inaasahan sa pagtatapos ng Audit na makabalangkas ng rekomendasyon ang COMELEC, LENTE at PSA sa mga kailangang baguhin, at pagbutihan na hakbang sa mga susunod na pagdaros ng Halalan.

Bukas ang operasyon ng Manual Audit mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *