Luzon Grid

Sapat na supply sa Luzon Grid tiniyak ng NGCP sa susunod na linggo

Metro Manila
MJ Mondejar

TINIYAK ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na magiging sapat ang supply ng kuryente sa Luzon Grid sa kabila ng nakaambang mataas na demand sa kuryente sa susunod na linggo.

Ayon sa NGCP, nasa 12,171 Megawatts ang supply sa susunod na linggo kahit pa pumatak sa 11,400 ang peak demand.

Sa pagtaya naman ng DOE, malabong maabot ang nabanggit na peak demand dahil sa ngayon ay nasa 11,074 Megawatts pa lamang ang pinakamataas na demand ang tumama sa Luzon Grid.

Sa huli ay tiniyak ng DOE na hindi magkakaroon ng power interruption kahit mataas ang demand ng kuryente sa Luzon Grid bastat walang titirik na mga planta.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *