Senado sa 18th Congress

Senado sa 18th Congress hindi madidiktahan ng Palasyo ayon kay Senate President Vicente Tito Sotto III

Section
Troy Gomez 

IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi magiging sunud sunuran sa Malakanyang ang susunod na komposisyon ng mga miyembro ng Senado sa 18th Congress.

Ito ang kumpiyansang pahayag ni Sotto sa isinagawang press conference sa Senado kaninang umaga.

Ayon kay Sotto makikita naman sa mga panayam sa ilang mga kaalyado ng Administrasyon tulad ni Ronald Bato Dela Rosa na hindi ito magpapadikta sa Palasyo at kikilos ito base sa kanyang kunsensya.

Inihalimbawa din ni Sotto ang kasalukuyang 17th Congress na nanatiling independent ang Senado.

Aminado naman ang Pangulo ng Senado na sinusuportahan naman nila ang Pangulong Duterte sa mga batas na sa palagay nila ay makakabuti para sa bayan.

Inamin naman ni Sotto na nakausap nito si Senador Manny Pacquiao kung saan sinabi sa kanya na nais nila Bato, Bong Go at Francis Tolentino na manatili ang senado sa 18th congress sa pamumuno ng kasalukuyang Senate President.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *