Baron Geisler

Baron Geisler, inakusahan ng physical abuse ng dating non-showbiz girlfriend

Showbiz

Sangkot nanaman sa panibagong kontrobersiya ang aktor na si Baron Geisler.

Ito ay matapos siyang akusahang ng dating non-showbiz girlfriend na si Karen Anne Tolosa ng physical abuse.

Sa social media, ibinahagi ni Karen ang mga larawan ng mga pasa at sugat na kaniyang sinapit dahil sa umano pananakit sakaniya ni Baron.

Kwento ni Karen, isang taon at tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas nang halos mapatay na siya ng aktor dahil sa pambubugbog.

Giit nito, panahon na para magsalita upang matigil na ang mga kasinungalingang inilalabas ni Baron sa publiko.

Magugunitang una nang pinabulaanan ni Baron ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanyang kaugnay ng pananakit di umano ng babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *