brigada eskwela

Brigada Eskwela 2019 isinagawa sa Cavite ang Kick-off

Regional
MJ Mondejar

PORMAL nang sinimulan kahapon ng Department of Education o DEPED ang kick off ng Brigada Eskwela ngayong taon na may temang  “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan.”

Ginanap ang kick-off ceremony ng Brigada Eskwela ngayong taon sa Alfonso Central School sa Alfonso, Cavite na dinaluhan naman ng nasa 1,000 DEPED key officials mula Central, Regional, at Division offices ng DEPED pati narin ng mga kinatawan ng local government units ng Cavite at iba pang stake holders.

Nirepresenta naman ni Education Usec Annalyn Sevilla si Education Secretary Leonor Briones na siyang nagbasa sa mensahe ng kalihim.

Sa mensahe ni Briones, binati nito ang kagawaran at lahat ng stake holders dahil sa patuloy na dumadami kada taon ang mga volunteers ng Brigada Eskwela mula sa 11 million noong 2017 hanggang sa 22 Million Volunteers sa 2018.

Kasama naman sa kick-off campaign ang mga advocacy campaign,orientations at skills traning pati na ang pagtuturo sa pag-iwas sa pagamit ng single use plastic sa buong bansa.

Magaganap naman ang simultaneous Brigada Eskwela sa buong bansa sa darating na Mayo a-20 hanggang a-25 na susundan naman ng Oplan Balik Eskwela mula Mayo a-27 hanggang Hunyo a-7 ngayong taon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *