Dating Health Sec. Janette Garin, naiproklama na bilang bagong Iloilo First District Rep.

Regional

Naiproklama na si dating Health Secretary Janette Garin bilang bagong Iloilo First District Representative.

Iprinoklama si garin bilang nanalo sa posisyon ng Iloilo Provincial Board of Canvassers sa pangunguna ng kanilang chairman na si Attorney Roberto Salazar at Vice Chairman Attorney Marjorie Ann Tio-Manikan.

Ang dating kalihim ay ilan sa mga personalidad na isinasangkot sa kontrobersyal na Anti-Dengue Vaccination Program na gumamit ng dengvaxia.

Matatandaang sa panahon ng termino ni Garin bilang health secretary unang ipinatupad ang dengvaxia vaccine.

Marso nang sampahan ng Department of Justice (DOJ) si Garin at iba pang personalidad para sa Reckless Imprudence Resulting in Homicide na may kaugnayan sa pagkamatay ng walong (8) bata na umano’y kabilang sa naturukan ng dengvaxia.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *