Libya

Nakatakdang umuwi na sa bansa 11 pang mga Pinoy mula sa Libya

National News

LABING isa pang mga Filipino na nasa Libya ang nakatakdang umuwi sa bansa.

Sa isang tweet, sinabi ni Philippine Chargè D’affaires Elmer Cato na ang mga uuwing Pinoy ay inilikas mula sa Tripoli.

Dahil dito, pumalo na aniya sa 55 ang bilang ng mga Filipino na inasistehan ng Gobyerno simula ng maganap ang kaguluhan sa Libya noong Abril 4.

Matatandaang nagpatupad ng Mandatory Evacuation ang Philippine Authorities sa Filipino Workers sa Tripoli at iba pang conflict-torn areas sa loob ng 100-Kilometer radius bunsod ng lumalalang kaguluhan doon.

Una nang sinabi ni Cato na ilan sa mga OFW sa libya ang patuloy na binabalewala ang Mandatory Evacuation Order gayunman tiniyak nito na magpapatuloy ang kanilang paghikayat sa mga ito na umuwi na para sa kanilang kaligtasan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *