depektibong SD cards

Supplier ng mga depektibong SD cards noong eleksyon, dapat panagutin

National News

Dapat panagutin ang supplier ng Secure Digital (SD) cards na ginamit sa midterm elections.

Ito ang iginiit ni Senador Aquilino Pimentel matapos pumalya ang mahigit isang libong sd cards sa kasagsagan ng halalan noong Lunes.

Bukod aniya sa penalty ay hindi rin dapat bayaran ng buo ang mga depektibong SD cards noong eleksyon.

Sinabi ni Pimentel na titingnan din nila ang kasunduan sa pagitan ng Commission on Elections (COMELEC) at supplier ng SD cards.

Posible rin aniyang mapanagot ang mga Commissioner ng poll body kapag napatunayang hindi na-check nang mabuti ang SD cards.

Dagdag nito, dapat ding magkaroon ng internal investigation ang COMELEC sa nangyari sa pumalyang SD cards, sino ang nag-bidding, nag-apruba at kung may isinagawang random testing dito noong mai-deliver ito.

Nakatakda namang dinggin sa Hunyo 4 ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System ang mga problema noong eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *