2 milyong boto

2 milyong boto, hinihintay pa ng COMELEC bago ang proklamasyon

National News

Nasa 2 milyong boto pa ng hinihintay ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) bago ang inaasahang proklamasyon ng nga nanalo sa national posts at partylist.

Ayon kay COMELEC Director for Information Dissimination Francis Arabe, napag desisyunan mismo ng COMELEC en Banc na hintayin muna ang lahat ng boto sa buong bansa kasama na rito ang kasalukuyang pagsasagawa ng special elections sa bayan ng Jones, Isabela.

Sa ngayon, nasa 96.41% palang ang naprosesong Certificate of Canvass ng National Board of Canvassers.

Matatandaang dahil sa mahabang delay, ilang petisyon na rin ang tinanggap ng opisina ng COMELEC na magdaos nalang ng early proclamation sa top 6 winning senators.

 

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *